We are now on the 3rd day of eid holiday in Saudi Arabia (Eastern Province). I am thinking of browsing around Al-Khobar with friends, but since Christmas is approaching, sending remittances is on top priority(kaya wala na akong datung). I am not obliged to do so, but since I am working and earning already, it’s my turn to let them feel special. That is only my concern, to give joy to my family left behind in my home country.
Bakit ko ba inisip ang mga bagay na yan na kung tutuusin eh single pa naman ako? Marahil lumaki akong sadyang family oriented, humanitarian at mahabagin ( tama ba itong mga pinagsasabi ko o dala lang ng lamig dito sa Saudi. Wala na ata akong pagkain sa ref kaya gutom lang ito, lol!). Hayyy, kakapagod mag-isip kung paano celebrate ang Christmas sa bansang bawal ang Christmas. Saan kaya ako sa Christmas?
Mahigit anim na taon na akong di nag cecelebrate ng Christmas sa pinas. Di ko na nga maalala kung ano ang itsura ng ayala ave. tuwing sasapit ang kapaskuhan o kaya ang Emilio Aguinaldo highway sa cavite na punong puno ng ilaw pag sapit ng araw na ito. Di ko na rin maramdaman ang simoy ng hangin na may kasamang amoy ng bibingka sa tabi ng simbahan, but instead amoy ng Indiano at Bangladesh ang bubungad sa ilong ko sa tuwing maglalakad sa kahabaan ng al-khobar (kakahilo try nyo! Nothing against them naman, amoy lang nila talaga.).
Ang simbang gabi sa Quiapo at sa U.S.T open field ang tanging nagpapaalala sa akin ng masayang Christmas kasama sila. Bilang isang probinsyanong bata, Jollibee ang natatanging fastfood na sikat sa akin. Chicken joy, Ice cream na may putik sa ibabaw as what I called it during my childhood days (sundae with choco toppings) at French fries ang aking fave during that time (maiba naman para it sounds sosyal). Kahit di ko na kaya isubo, kinakaya ko pa rin kasi walang Jollibe sa probinsya at ang pasko ay dumarating lang isang beses sa isang taon (ganun ako katakaw). Malaking bahagi sa buhay ko ang SM carriedo sa Sta. Cruz, alam mo kung bakit? Yan ang malaking airconditioned room na alam ko sa tuwing naiinitan ako. Once na pinasok na ako dyan ramdam ko ang amoy ng Manila, hahahahaha! Kakaibang feeling ang nasa loob ko. Feeling na bibilhan ka ng mga bagay na gusto mo (ewan ko ba! kasi pagsinabi ko agad naman natataranta ang mga ate ko at bili din sila agad) dahil kaya ako ang bunso o dahil love lang nila ako? Yun ang sigurado! Naaalala ko nung time na malapit ng mamatay ang papa naming. He made sure na okey ang bunso ( ako yun). He let our ate promise na pagtatapusin ako ng schooling until maka graduate. Our eldest made a vow to our father na gagawin nya yun. Kaya si bunso tuwing nagtatampo laging dahilan “mumultohin kayo ni papa at mama” (kakatuwa ang buhay bata) kaya love ko talaga ang mga kapatid ko at di ko sila pwedeng iwan kahit may asawa na ako (package deal ang drama).
Now, it's my time to let them feel na special sila sa akin. Lumipas na ang masayang mga alaala ko sa piling ng Jollibee kaya ako naman ang taya. Di man dahil sa Jollibee, kondi sa pamilyang pinoy mahala ang tunay na diwa ng pasko. Maraming beses na na di ko sila kapiling sa mga nakaraan pasko pero nasa puso ko pa rin sila kasi nasa puso ko si Kristo.
Maligayang pasko po sa lahat!
Ang video na inyong mapapanood ay isang halimbawa ng paskong pinoy na namimiss ko sa atin.
Paki "pause" lang po muna ng music background sa baba ng blog page bago nyo i-play ang ad na ito.
To Mama & Papa, saan man kayo ngayon mahal na mahal ko kayo. Bulong mo na lang kay Hesus na "Happy birthday!".
naligaw lang po. (teka pano ba umuwi) haha.
balik ako palagi dito! pasko sa bansang walang pasko! huwaaaaw! hehe
merry christmas sayo . ^^ punta ako sa inyo sa pasko hehe. hintayin moko sa ramaniyah toinks!
Sure Bon! Saan ka ba dito? Pwede ka mag attend basta may gift ka sa akin(Toink din!)
nagutom ako sa nakita kong burger... tsk tsk tsk...
Aba at puro nolstalgic posts about Paskong Pinoy ang nagkalat sa blogosphere these days ha.
Bro, dapat bayaran ka ng Jollibee at hataw sa free ads dito sa blog mo e. Sabihin mo kahit free chicken joy lang. Hehe.
Mauuna pa yata ang aybol niyo ni Bonifacio diyan ha. Ako kaya... kailan, makakapasyal sa KSA? Hmmmm....
Hello, napadaan lang din. Dati kami sa blogspot pero nagmigrate na sa wordpress, la lang, may masabi lang, toinks!!
Ako nmn, pang apat ko ng pasko dito sa malaysia, kahit muslim country ito, at least open sila, at may mga christmas decorations din sa mga malls. Pero walang puto bumbong, bibingka at simbang gabi, kakamiss!
Merry Christmas!!
Godbless!
Master Ooqay,
Maraming salamat po sa pagdalaw sa aking blog. Pareho pala tayong mahilig sa pagkain, lol!
Rev,
atlast may comment na from you, hehehe! Nagkausap na po kami ni Bons. Naku, may kakulitan na rin ako, hahaha!
bossing, thomasian ka rin ba? yan din kasi ang memories ko ng simbang gabi: sa soccerfield ng Uste.
thanks for dropping by my blog!
God bless!
Bro. Utoy,
Tomasito po kasi anak ako ni Mang Tomas(Toink!). Malapit lang ang apartment na nakuha namin sa likod ng UST, high school dept. kaya akin din yung football field, lol!
oo nga iba talaga d2 sa pinas.. kamusta ka na ba jan? dyan din daddy ko.. malamig na nga daw jan.. hmmp.. nakakamiss si jollibee at UST noh? di bale pagbalik mo nand2 pa din sila.. good your family oriented. ganyan naman ang dapat. :)
Jennifer,
Thank you sa pagbisita mo!Oo nga eh kaya sipon at ubo ang tao ngayon dito. Saan ng dad mo? Nasa Eastern Province ako nagyon.
Merry Christmas sayo!
Hays... simbang gabi.. pinipilit ko yang buuin, kasi pag may absent na ko kahit isa... kinatatamaran ko na ang pagising ng madaling araw.
Hays.. pakisabi kay sadik santa, kukunin ko yung manok basta sayo ang chicken wings... malamang may anghit din yun! hehhehee
Merry Christmas.. at syempre dapat binabati ka ng tumatumbling habang naka split.... w/toinks sound effect! ahihihi
Uy king bunso din ako hehe. Pareho pala tayo unico ijo.
Nabigla ako kala ko naligaw ako. kasi sanay ako nakikita yung header mo na nag-gigitara ka hehe.
ang hirap dyan sa Saudi. Dami ko kaibigan dyan and malungkot daw dyan. di katulad sa dubai na talaga namang tolerant sa Christianity.
Jollibee? ako naman Chrisans Juncytion. Yun lagi kinakainana namin ng Father ko nung maliit pa ako. until nawala na ng tuluyan yung resto na yun. Ang sarap ng spaghetti at hamburger dun pramis. Lalo na ang siomai at taco. di ko alam kung bakit nagsara yun eh ang dami naman nakain dun
anyhow konting tiis lang tol. yaan mo paguw mo dito at nagkataon kami na may eb nina rev at utoy, treat ka namin sa Jollibee hehe. Promise yan.
BTW, sensya na, delayed ako magreply sa blog ko at delayed ako mag bloghop. busy-busyhan kapatid.
and tama ka, natawa ako dun sa post mo sa baba, eh ano ngayon kung singgol tayo? Di ba tayo pwede maging masaya pag pasko pag singgol tayo? haha
Pax et Bonum
PS. Tol lipat ka na sa wordpress haha Brainwash ba? para magkakapitbahay na tayo nina rev. mas madali ang wordpress kesa blogspot (nangampanya haha). try mo matutuwa ka sa dami at dali ng features.
God Bless.
Pads ( Short for padre),
I will try to learn muna sa page ng wordpress kasi alien pa ako, ahihihi.
sige po abangan ko ang Jollibee pag uwi ko dyan ha.
Maraming pong salamat!
Hi your majesty,
Nakakagutom nga mga pictures..heheh YOu missed Jolibee, noh? heheheh
Merry Christmas din poh.. and sana masaya tayong lahat sa pasko at sa new year..heheh
Thanks for your comment on my site by the way.. *wink*
namis ko tuloy ang bibingka kasi wala dito yan sa canada, ensaymada lang. hehe. oy, nalala ko tuloy mga magagandang xmas lights sa ayala at at high way going cavite, lalo na sa kahabaan ng manila bay, anyway, where ever part of the globe we are, we might miss the xmas tradition we used to do i hope the true essence of xmas
stays in our heart not just for its season but everyday of our lives. Life that manifest the life of JESUS CHRIST, HIS MESSAGE, HIS WORK AND HIS SPIRIT.. have a blessed and happy christmas beh!
Teka, magcomment pa ako ng isa dito, ako din unico hijo!!! aaww!! Ang babait talaga ng mga batang tulad natin, si bro. utoy at rev yata ganun din, tama po ba ako?
Ang saya! ang babait natin, bwahahaha!!! toinks!!
Teka lang, kapatid na bluep, ano ibig sabihin kaya nun? May pinapahiwatig ka ba? toinks!
Jorge,
di po ako uniko hijo kasi may kapatid pa akong 3 lalaki, ako lang ang bunso. Check mo profile ko (la familia).
Sure kahit puro gravvy pa ang kainin mo mas ok yun, ahihihi.
Hi bhe,
Dont worry kasi pagpunta ko ng canada lulutuan kita ng bibingka na yari sa kamoteng kahoy. Ready mo na ang ingredients para di na ako magdala, ahihihi!