Bakit ba sa tuwing may get together ang mga tao, mapa-family reunion man o simpleng barkada gimik, ang unang tanong sayo ay "may girlfriend ka ba?" at bago ka pa makasagot ay maririnig mo naman ang "BAKET WALA?????!!!!!!". Hay, kailan ba talagang may bitbit kang girlet sa mga okasyon na ito? Pano kung wala talaga? Alangan namang makiusap ako sa mga close girl friends ko para mag-panggap na "kami"?! Di naman ata tama yun, di ba? How I wish na sana maintindihan ng mga tao na sa mga panahon ngayon ay "accepted" na sa society na medyo madi delay ang pag iisang dibdib ng mga kalalakihan sa kanilang irog especially like me who wants to get into so many things all at the same time. I also wish that people would understand that okey lang ako and the rest of the member ng "Samahang Malamig Ang Pasko". I mean we do get lonely once in awhile. Naiingit din minsan dun sa may mga lovelife paminsan-minsan. Kung minsan naman ay nagmumuni-muni sa mga past kilig moments, but these lonely moments do not and will not make our world stop..
Isipin nyo na lang na kung wala kaming mga single friends nyo eh di walang kayong paghihingahan ng sama ng loob tuwing nag aaway kayo ng partners nyo. Wala din kayong "instant dayte" kung sakaling nangailangan kayo. Wala rin kayong mahihila sa mall para maghanap ng magandang regalo for your better-half pa x-mas o kaya pag birthday nya. At ang mahalaga sa lahat, wala kayong kakampi if things between you and your labidabs don't work-out. Marami naman sa aming mga singles ay nakakaranas nang "ma-in-love"yun nga lang, obvious ba???? it all didn't work-out. Pero di naman kami "bitter" o galit sa mundo. ang totoo nga nyan eh mas lumalalim ang kahulugan ng "love" para sa amin.
When you're all by yourself, there is more time to reflect and think what you really want in life. Mas naiisip mo kung ano ba talaga ang makakapagbigay ng tunay na ligaya sayo...at mas naiisip mo kung paano matututpad ang lahat ng mga pangarap mo. And while reflecting, we also get to imagine that we will, one day end up with someone who will share those dreams with us.
Di naman sa nang-iinggit ako pero masaya ang buhay naming mga single . Biruin mo we can go out with anybody, anytime, that is. We can get into kind of things like go to gym regularly or get into all kinds of sports or any "self-enhancement" programs, etc. Medyo tipid ang buhay single kasi wala naman kaming po-problema tuwing Valentines day, Christmas o Aniversary, O di ba ang saya?
Sa palagay ko naman ay lahat tayo ay may karapatang sumaya ke single man o attached ka. I guess may kanya kanya lang tayong panahon lumigaya at diyos lang ang makapagsasabi kung kailan nga dadating ang oras na yun.
So, para sa mga kasalukuyang "attached" I wish you all the luck and happiness. If there is any problem dont forget that your single friends are always here for you! Sa mga bagong singles naman, wag na magmukmuk! enjoy life! (enjoy the single life!) There are a lot of things that you will still discover. At tandaan mo, di ka lang nag-iisa madami tayo, hehehehe!
pa join naman..hehehe
sure! saan ka ba dito?
Akala ko i rerepost mo yung prayer natin?
I will Mike. I will try my very best to do it tomorrow kasi medyo busy lang pare. Best regards!
one reason yan kung bakit ako nagpari. para forever singgol! hehehe...
thanks for dropping by my blog!
God bless.
Thanks Bro. Utoy! I will pra for your perseverance too.
God be with you!
Dropin' by & saw my blog link on "read their blogs"... thanks! Kakatuwa naman po! Salamat.. salamat po :)
Newei bout ur entry....
"So, para sa mga kasalukuyang "attached" I wish you all the luck and happiness."
yan po yung pinaka gusto ko.. pwede magdagdag?
.
.
.
.
"So, para sa mga kasalukuyang "attached" I wish you all the luck and happiness. MAGHIHIWALAY DIN KAYO!" ahihihi (joke... )
Enjoy the single life! YEHBA! GBU po!
Yn nga dapat ang sasabihin ko TEENTOINK kaso nagpa wholesome ako eh. Buti na lang dinagdagan mo na lang, lol!(Joke)
God bless u too!
Hello!
Ansaya ng pictures! Ano event niyo jan?
DI naman talaga sukatan ng happiness ang status sa buhay. At di ibig sabihin na kapag walang GF ay nde lovable no?
Chyng,
Nagsama sama lang Chyng sa tabing dagat kasi paalis na yung isa naming kasama goin to pinas. That is correct, pero may gf din naman ako kaso di pa nga lang married kaya single pa rin ako, hehehehe!
Thanks Chyng!
Tagay na lang sa mga singol!!! Sali ako pag may get-together.