Hay Ikea! Mahal talaga kita...
Leader of the band kasi sya ang taya, ahihihi!
kamakailan lamang, ang pinakamalaking Home shop sa buong kingdom ay nagbukas na dito sa Al-Khobar (Eastern Province). Ang IKEA, sa mga di po nakakaalam ay isang Home furnishing shop na mula sa bansang Sweden. Pinagsama samang mga sikat na interior designers sa buong mundo ang bumubuo ng mga disenyong makikita sa loob nito.facade ng IKEA
Kung kayo po ang nahihilig mag ayos ng bahay sa murang halaga(syempre in riyals ang currency nito), try nyo pong bisitahin ang nasabing establishment.
The darling of the crowd!Ang ganda ng frames, toinks!
Hindi syempre mag-uumpisa ang lahat na di nyo ako papakainin. Napaka simple at malinis ang cafeteria ng IKEA. Ito ang mga ibidens ng kanilang serving per person:
Tama ba ang nakita ko? Isang iskaparateng donut!
Ito na ang itsura ng taong bundat matapos ang hapunan:
At syempre pa, I finally met ang kuneho ng Boni Station sa Mandaluyong............................................. Isang napaka lamig na gabi ang aming pagtatagpo sa Apple Bees, Alkhobar (KSA). Naging usap usapan namin ang mga previous post ng mga sikat naming deacon sa Italya at France. At ito pa! Napasok ang papaya sa gitna ng usapan dahil may admirer si kuneho sa loob ng resto. Bigla bang itanong kung gumagamit ito ng papaya soap(hahahaha!) dahil sa sobrang puti nito. Naku parekoi, ang alam ko shinshansu daw ang sikat sayo,toinks!(si revsiopao ang nagsabi nun ha!)
Uy, mukhang may bokasyon din itong bata batuta na ito. Dali na ano pa ginagawa mo revsiopao at bro. Utoy! . Hikayatin na sa kulto este sa seminaryo. Now na!!!
Salamat sa treat Bons!