Nakakatuwang Alaala Ng Pasko.

Posted by KINGdom of Saudi Arabia | 2:53 PM | , | 19 comments »

We are now on the 3rd day of eid holiday in Saudi Arabia (Eastern Province). I am thinking of browsing around Al-Khobar with friends, but since Christmas is approaching, sending remittances is on top priority(kaya wala na akong datung). I am not obliged to do so, but since I am working and earning already, it’s my turn to let them feel special. That is only my concern, to give joy to my family left behind in my home country.

Bakit ko ba inisip ang mga bagay na yan na kung tutuusin eh single pa naman ako? Marahil lumaki akong sadyang family oriented, humanitarian at mahabagin ( tama ba itong mga pinagsasabi ko o dala lang ng lamig dito sa Saudi. Wala na ata akong pagkain sa ref kaya gutom lang ito, lol!). Hayyy, kakapagod mag-isip kung paano celebrate ang Christmas sa bansang bawal ang Christmas. Saan kaya ako sa Christmas?

Mahigit anim na taon na akong di nag cecelebrate ng Christmas sa pinas. Di ko na nga maalala kung ano ang itsura ng ayala ave. tuwing sasapit ang kapaskuhan o kaya ang Emilio Aguinaldo highway sa cavite na punong puno ng ilaw pag sapit ng araw na ito. Di ko na rin maramdaman ang simoy ng hangin na may kasamang amoy ng bibingka sa tabi ng simbahan, but instead amoy ng Indiano at Bangladesh ang bubungad sa ilong ko sa tuwing maglalakad sa kahabaan ng al-khobar (kakahilo try nyo! Nothing against them naman, amoy lang nila talaga.).



Ang simbang gabi sa Quiapo at sa U.S.T open field ang tanging nagpapaalala sa akin ng masayang Christmas kasama sila. Bilang isang probinsyanong bata, Jollibee ang natatanging fastfood na sikat sa akin. Chicken joy, Ice cream na may putik sa ibabaw as what I called it during my childhood days (sundae with choco toppings) at French fries ang aking fave during that time (maiba naman para it sounds sosyal). Kahit di ko na kaya isubo, kinakaya ko pa rin kasi walang Jollibe sa probinsya at ang pasko ay dumarating lang isang beses sa isang taon (ganun ako katakaw). Malaking bahagi sa buhay ko ang SM carriedo sa Sta. Cruz, alam mo kung bakit? Yan ang malaking airconditioned room na alam ko sa tuwing naiinitan ako. Once na pinasok na ako dyan ramdam ko ang amoy ng Manila, hahahahaha! Kakaibang feeling ang nasa loob ko. Feeling na bibilhan ka ng mga bagay na gusto mo (ewan ko ba! kasi pagsinabi ko agad naman natataranta ang mga ate ko at bili din sila agad) dahil kaya ako ang bunso o dahil love lang nila ako? Yun ang sigurado! Naaalala ko nung time na malapit ng mamatay ang papa naming. He made sure na okey ang bunso ( ako yun). He let our ate promise na pagtatapusin ako ng schooling until maka graduate. Our eldest made a vow to our father na gagawin nya yun. Kaya si bunso tuwing nagtatampo laging dahilan “mumultohin kayo ni papa at mama” (kakatuwa ang buhay bata) kaya love ko talaga ang mga kapatid ko at di ko sila pwedeng iwan kahit may asawa na ako (package deal ang drama).



Now, it's my time to let them feel na special sila sa akin. Lumipas na ang masayang mga alaala ko sa piling ng Jollibee kaya ako naman ang taya. Di man dahil sa Jollibee, kondi sa pamilyang pinoy mahala ang tunay na diwa ng pasko. Maraming beses na na di ko sila kapiling sa mga nakaraan pasko pero nasa puso ko pa rin sila kasi nasa puso ko si Kristo.

Maligayang pasko po sa lahat!

Ang video na inyong mapapanood ay isang halimbawa ng paskong pinoy na namimiss ko sa atin.
Paki "pause" lang po muna ng music background sa baba ng blog page bago nyo i-play ang ad na ito.


Habang buhay pa ang mga magulang ninyo, hayaan mong madama nila na nasa tabi nila kayo ngayong pasko. Kung walang pagkakataon, tawagan at sabihing mahal na mahal ninyo sila. Say it right away (I LOVE YOU!) para di nyo pagsisisihan sa darating na araw.

To Mama & Papa, saan man kayo ngayon mahal na mahal ko kayo. Bulong mo na lang kay Hesus na "Happy birthday!".