Manigong Bagong Taon Po!
Matapos ang makalaglag tyan at sunod sunod na kainan, hindi pwedeng palagpasin ang taong 2008 na hindi magbalik tanaw sa mga alaalang iniwan nito sa puso't isipan natin. Taon na masasabi kong "Lungkot". Subalit sa tulong ng pamilya, kaibigan at kapwa pinoy, nalagpasan ko ang unos na dumapo sa kasuluksulukan ng aking buto. Pero naging mas malaking bahagi ang dasal na nagmula sa kanila.
Sa mga kaibigan ko na patuloy nagbibigay inspirasyon sa akin, keep on sharing your missionary vocation and aspirations. You made me more & more closer to Christ through your simple & humble lifestyle. keep on inspiring people through your reach, blog.
Sa mga taong katabi ko sa panahon ng....(ahuuhu): July, Jhon & Mickey , maraming salamat sa tunay na pagkakaibigan. Naway maging maligaya ang mga susunod na taon para sa inyong tatlo. At para kay July, ang taging katholikong kaibigan na katabi, sa taong 2009 ang aking tanging dalangin ay kalusugan para saiyo at sa pamilya mo. Continue to be amiable as you are.
Sa babaeng nagbigay inspirasyon sa buhay spiritual ko sa Saudi Arabia, Anne maraming salamat sayo. She continues believing in me.
Sa mga taong nagtampo at di ko nakikita sa mga panahon na ito, kung ano man ang dahilan na di ko alam (ipaalam nyo, toinks!). Seriously, kung ano man yun, malugod kong tatanggapin ang mga pagkukulang ko at mula sa puso ang aking paghingi ng paumanhin.
And syempre, ang aking AMA na nasa langit na walang humpay sa kakabantay sa akin sa mga oras na kailangan ko sya. Madaming oras na nawawala ako ng landas, subalit sa kanyang gabay natutuntun ko ang daan patungo sa nag-iisa nyang anak na si HESUS. Maraming salamat po AMA!
Isa lang ang pwede kong sabihin sa inyong lahat, kakabog kabog ang puso ko sa tuwing kasama ko kayo....
I will continue to echo the SOUND OF MY HEART all year round!
Subscribe to:
Posts (Atom)