Bilang isang anak ng isang cancer patient at isang alagad ng science, minarapat kong ibahagi ang aking kaalaman ukol sa sakit na CANCER. Ang cancer ay isang complex na groupo ng 100 na magkaibang uri ng cancer. Ang cancer ay pwedeng maka apekto sa anumang bahagi ng ating katawan.
Sa murang edad, nakita ko ang gradual health deterioration ng aking mahal na papa. Naging mahirap para sa pamilya pero kailangang gawin para madugtugan ang buhay ng mahal sa buhay. Sa linggong ito, bigyan pansin ang sakit na cancer. Makibahagi sa pagpalaganap ng kamalayan sa ating mga kababayan
PAANO NAGKAKAROON NG CANCER?
Ang ating organ sa katawan ay binubuo ng mga cells. The multiplication of cells depends on how the body needs them. Kung nagkataon na sumobra ang multiplication ng cells sa ating katawan na kung saan di naman kailangan ng ating sistema, ang resulta ay isang MASS na kung tawagin o termed na TUMOR sa field of medicine.
Ang mga bukol o mass ay maaring maging benign or malignant. Benign ay tinuturing non-cancerous at Malignant ay cancerous.
Benign tumors rarely are life threatening at di mabilis ang pagkalat sa ibang bahagi ng katawan. They can often be removed.
PAANO KUMAKALAT ANG CANCER SA IBANG PARTE NG KATAWAN?
Ang cells na nabibilang sa malignant tumors ay may abilidad na sakupin ang katabing tissues o organ, thus spreading the disease. May posibilidad din na ang cancerous cells ay humiwalay sa tumor at sumama sa daloy ng dugo at kumalat sa iba pang bahagi ng katawan, Ito ay tinatawag sa medisina na METASTASIS.
Kung ang cancerous cells ay kumalat (metastasized) at naapektuhan ang iba pang bahagi ng katawan, ang sakit ay tumutukoy sa organ na pinagmulan. Halimbawa, cervical cancer ay kumalat sa baga (Lungs), maaring matawag pa rin itong cervical cancer at hindi lung cancer.
Subalit, ang karaniwang cancer ay nadedevelop sa paraan na ito, ang sakit na leukemia ay hindi. Naapektuhan nila ang dugo at kalapit na organ nito at maaring sakupin ang kalapit na tissues sa paligid nito.
Ang cancer ay mag-kakaiba at iba iba ang lunas na pwedeng ilapat sa mga ito. Kung ano ang pwedeng magbigay lunas sa prostate cancer ay hindi pwede sa bladder cancer. Ang pagbigay lunas sa cancer ay naiiba depende sa organ na apektado nito.
Sa iba pang mga katanugan ukol sa cancer, maaring nyong bisitahing ang mga links na nakalista sa ibabang bahagi nito:
Types of Cancer
Etymology of Cancer
DOH
Mga cancer advocate. Bisitahin din sila for more information .
IFM, revsiopao, Bro. Utoy, desertfishing, Coolwaterworks , Bro. Bluep, glen
This song is for you!
Click Here!
I was once a victim of cancer, not as a patient but a son of a cancer patient...I dedicate the song to all the families and friends who lost their loveone's by this destructible disease. We stand to be one on this issue. Hawak kamay nating harapin, MAGKASANGGA kasama ang dyos!