Magandang umaga, hapon at gabi sa inyong lahat san mang lupalop ng mundo kayo naroroon!
Matagal tagal ko din pinag-isipan ang paglilipat ko ng bahay from blogspot to worpress. Nandyan yung kalikutin ko ang wordpress para malaman ko ang mga kakaibang features nito, magpabago bago ng account hanggang mahuli ng pari ( bakit ba sa tuwing nagsisinungaling ako lagi naman akong nahuhuli? toink!). Di ko naman kasi alam na may built-in IP reader ang wordpress, bwahahaha! Dito naiba ang wordress sa blogspot (matapos mag enjoy sa blogspot siniraan na, hehehe).
Mga kapatid ko sa blogsphere, ito na po ang inyong lingkod sumasakay sa inyong pandaigdigang wordpress kampanya (si Bro. Bluep ata ang nag invite sa akin). Sad to say, iniwan ko na rin ang gitara ko sa kabilang bahay, kasi wala ng mapaglagyan dito sa aking bagong nilipatan. Bukod pa dun, ayoko na ng view ng singgit ko sa rooftop.
Silence ang naging tema ng aking pahina ngayon sa kadahilanang... (itanong nyo sa mga seminarista yan at may alam sila dyan. Pigain nyo at magsasabi din yan later on, hehe!). Patuloy ang pagkabog at pagtalbok ng puso ko kasi ang blogging ay itinuturing kong isang form ng evangelization. Ang aking pahina ay makikita sa baba. Paki click na lang po sa mga iba pang detalye ng bakuran ko.
Salamat po at magkitakitz sa mata!
Aba'y nakakagulat at ikaw pala ang may pakana ng contemplative site na to. Tuloy lang at ako'y makikiinom na rin at makapamasyal. St. Augustine had his conversion in a garden upon hearing a child's voice telling him "Tolle lege!". He read Roman 13:13-14 and it changed the world, from a garden to Canterbury to Calvin...
sabi ko na nga ba't ikaw yun eh. hehe...
Welcome to WP kapatid!