Cancer Awareness Week!

Posted by KINGdom of Saudi Arabia | 11:51 AM | | 11 comments »

Bilang isang anak ng isang cancer patient at isang alagad ng science, minarapat kong ibahagi ang aking kaalaman ukol sa sakit na CANCER. Ang cancer ay isang complex na groupo ng 100 na magkaibang uri ng cancer. Ang cancer ay pwedeng maka apekto sa anumang bahagi ng ating katawan.

Sa murang edad, nakita ko ang gradual health deterioration ng aking mahal na papa. Naging mahirap para sa pamilya pero kailangang gawin para madugtugan ang buhay ng mahal sa buhay. Sa linggong ito, bigyan pansin ang sakit na cancer. Makibahagi sa pagpalaganap ng kamalayan sa ating mga kababayan

PAANO NAGKAKAROON NG CANCER?

Ang ating organ sa katawan ay binubuo ng mga cells. The multiplication of cells depends on how the body needs them. Kung nagkataon na sumobra ang multiplication ng cells sa ating katawan na kung saan di naman kailangan ng ating sistema, ang resulta ay isang MASS na kung tawagin o termed na TUMOR sa field of medicine.

Ang mga bukol o mass ay maaring maging benign or malignant. Benign ay tinuturing non-cancerous at Malignant ay cancerous.

Benign tumors rarely are life threatening at di mabilis ang pagkalat sa ibang bahagi ng katawan. They can often be removed.

PAANO KUMAKALAT ANG CANCER SA IBANG PARTE NG KATAWAN?

Ang cells na nabibilang sa malignant tumors ay may abilidad na sakupin ang katabing tissues o organ, thus spreading the disease. May posibilidad din na ang cancerous cells ay humiwalay sa tumor at sumama sa daloy ng dugo at kumalat sa iba pang bahagi ng katawan, Ito ay tinatawag sa medisina na METASTASIS.

Kung ang cancerous cells ay kumalat (metastasized) at naapektuhan ang iba pang bahagi ng katawan, ang sakit ay tumutukoy sa organ na pinagmulan. Halimbawa, cervical cancer ay kumalat sa baga (Lungs), maaring matawag pa rin itong cervical cancer at hindi lung cancer.

Subalit, ang karaniwang cancer ay nadedevelop sa paraan na ito, ang sakit na leukemia ay hindi. Naapektuhan nila ang dugo at kalapit na organ nito at maaring sakupin ang kalapit na tissues sa paligid nito.

Ang cancer ay mag-kakaiba at iba iba ang lunas na pwedeng ilapat sa mga ito. Kung ano ang pwedeng magbigay lunas sa prostate cancer ay hindi pwede sa bladder cancer. Ang pagbigay lunas sa cancer ay naiiba depende sa organ na apektado nito.

Sa iba pang mga katanugan ukol sa cancer, maaring nyong bisitahing ang mga links na nakalista sa ibabang bahagi nito:

Types of Cancer
Etymology of Cancer
DOH

Mga cancer advocate. Bisitahin din sila for more information .
IFM, revsiopao, Bro. Utoy, desertfishing, Coolwaterworks , Bro. Bluep, glen

This song is for you!

Click Here!

I was once a victim of cancer, not as a patient but a son of a cancer patient...I dedicate the song to all the families and friends who lost their loveone's by this destructible disease. We stand to be one on this issue. Hawak kamay nating harapin, MAGKASANGGA kasama ang dyos!

11 comments

  1. Anonymous // January 20, 2009 at 2:45 PM  

    Wow! Very informative gaya ng kina bro utoy at rev.. Kaso wala akong alam about cancer kaya wala akong isshare..

    Sorry to hear about your father..

    Godbless!

  2. KINGdom of Saudi Arabia // January 20, 2009 at 4:48 PM  

    I was 11 years old nung namatay tatay namin kaya medyo matagaltagal na ring wala sya.

    Mas maganda na magshare din para kahit pano aware ang tao sa dulot ng canser, di ba parekoi? KASANGGA!!!

  3. Anonymous // January 20, 2009 at 5:13 PM  

    hi! thanks for this post.... we can make the people aware about cancer in our way... salamat sobra for taking some time and i just want you to know that you, your family, especially your dad, are warriors. your dad may not be here but cancer did not win against the unity of your family and your love to your father. salamat sobra!

    btw, your readers might want to join this advocacy also... you can tell them that they don't have to write about cancer mismo... they can write anything like dedicating a song to the cancer patients, write a poem... a prayer.... they can leave a link in my blog so that i can add them up to the list.

    again, thank you sobra!

  4. Anonymous // January 20, 2009 at 7:29 PM  

    Kudos kapatid.
    I'm glad that you have already joined the 'caravan'.

    Ngayon ko lang nalaman na cancer pala ang ikinamatay ng papa mo. Natitiyak ko na mas malalim ang iyong empathy sa mga taong dumaranas nito kasi may first-hand experience ka through your father. May he rest in peace.

    By the way, isinama na kita sa list ko of those who have made their blog contributions.

    You can check out my site (or IFM's) from time to time as the list is regularly being updated.

    WE ALL CARE!

    Kasangga mo,
    revsiopao

  5. KINGdom of Saudi Arabia // January 20, 2009 at 10:32 PM  

    @ ifoundme: Maraming salamat din po sa initiation sa advocacy na ito sa blog. Marami tayong matutulungan thru this.

    Kasangga mo po ako!

    @ revsiopao: Kasangga tayo sa lahat ng bagay basta kay Hesus.

    Kudos kapatid!

  6. Anonymous // January 22, 2009 at 8:19 AM  

    Uy Bro, ganun pala ang istorya ng papa mo. malamang mahabang gabi ang inilakbay ng buong pamilya. totoo, may maibabahagi ka sa paghilom ng mga sugatan. the Lord will use you more i bet...

  7. Anonymous // January 23, 2009 at 5:14 PM  

    very informative.thanks.nalungkot ako bigla.naalala ko si lola.she died of breast cancer.

  8. Byron Ferolin // January 25, 2009 at 5:06 PM  

    Some informative!

    I was shocked that you said it in Tagalog. Very clever!

    I am afraid of having one. Cries.

  9. Glen // January 28, 2009 at 7:32 PM  

    salamat sa pagsama sakin sa caravan kasangga, at salamat sa napaka detalyadong post mo about cancer... =)

  10. Anonymous // February 2, 2009 at 1:01 PM  

    Sometimes it's best for us to let people who had enough of pain go, minsan yun lang din yung go signal nila to be at peace. Kakalungkot noh? bat ba kasi may CANCER pa! Amp!

    Neweis.. late uli ako! nyehehehe!

  11. p0kw4ng // February 7, 2009 at 1:37 PM  

    king..ngayon ko lang ulit napanood ito..very inspiring..grabe..tumulo na llahat ng dapat na tumulo sa akin..huhuhu...