Goodbye 2008!

Posted by KINGdom of Saudi Arabia | 10:01 AM | | 8 comments »

Manigong Bagong Taon Po!

Matapos ang makalaglag tyan at sunod sunod na kainan, hindi pwedeng palagpasin ang taong 2008 na hindi magbalik tanaw sa mga alaalang iniwan nito sa puso't isipan natin. Taon na masasabi kong "Lungkot". Subalit sa tulong ng pamilya, kaibigan at kapwa pinoy, nalagpasan ko ang unos na dumapo sa kasuluksulukan ng aking buto. Pero naging mas malaking bahagi ang dasal na nagmula sa kanila.

Sa mga kaibigan ko na patuloy nagbibigay inspirasyon sa akin, keep on sharing your missionary vocation and aspirations. You made me more & more closer to Christ through your simple & humble lifestyle. keep on inspiring people through your reach, blog.

Sa mga taong katabi ko sa panahon ng....(ahuuhu): July, Jhon & Mickey , maraming salamat sa tunay na pagkakaibigan. Naway maging maligaya ang mga susunod na taon para sa inyong tatlo. At para kay July, ang taging katholikong kaibigan na katabi, sa taong 2009 ang aking tanging dalangin ay kalusugan para saiyo at sa pamilya mo. Continue to be amiable as you are.

Sa babaeng nagbigay inspirasyon sa buhay spiritual ko sa Saudi Arabia, Anne maraming salamat sayo. She continues believing in me.

Sa mga taong nagtampo at di ko nakikita sa mga panahon na ito, kung ano man ang dahilan na di ko alam (ipaalam nyo, toinks!). Seriously, kung ano man yun, malugod kong tatanggapin ang mga pagkukulang ko at mula sa puso ang aking paghingi ng paumanhin.

And syempre, ang aking AMA na nasa langit na walang humpay sa kakabantay sa akin sa mga oras na kailangan ko sya. Madaming oras na nawawala ako ng landas, subalit sa kanyang gabay natutuntun ko ang daan patungo sa nag-iisa nyang anak na si HESUS. Maraming salamat po AMA!

Isa lang ang pwede kong sabihin sa inyong lahat, kakabog kabog ang puso ko sa tuwing kasama ko kayo....

I will continue to echo the SOUND OF MY HEART all year round!



8 comments

  1. Anonymous // January 1, 2009 at 1:49 PM  

    wow! bonggang bongga ang background music... willy ikaw ba 'yan? he he.

    kapatid, "umaalog" at "tumatalbog" din ang aking puso sa pasasalamat dine sa iyong walang sawang pagtangkilik sa amin na iyong mga kaibigan. your sense of thoughtfulness is really amazing!

    salamat at extra na naman kami...
    dahil bagong taon ngayon, saka na kita padadapain dahil ninenok mo ang aming mga cute na cute na pichurs. he he!

    YOU ARE ALSO A BLESSING IN OUR LIVES AND WE THANK YOU FOR THAT.

    A BLESSED 2009 KAPATID!

  2. KINGdom of Saudi Arabia // January 1, 2009 at 10:33 PM  

    @ Rev: bwahahahaha! Cute nyo di ba sa pic? Peace na sa pag-nenok ko kasi inspirasyon ko naman kayo e. Paframe ko pa nga yan eh, ahihihi!

  3. p0kw4ng // January 2, 2009 at 2:25 AM  

    happy new year sayo king!

  4. Anne // January 2, 2009 at 11:27 AM  

    SALAMAT SA AMAHAN.. YOU are a BLESSING also from ABOVE.. (:

  5. KINGdom of Saudi Arabia // January 2, 2009 at 10:13 PM  

    @ Pokwang: Maraming salamat sa pagbati pokie! Happy New Year din sayo at sa family mo!

    @ Anne: Thanks bhe! I love you!

  6. sadako // January 4, 2009 at 10:52 AM  

    Kapatid babati lang ako sayo at ngayon lang ako natapos sa aking blog. naglipat kasi ako ng server.

    May you and your family have a very blessed Christmas (actually pasko pa) and may the Lord guide you through this new year.

    All the best in 2009!

    Pax et Bonum

  7. Master Ooqay // January 4, 2009 at 6:56 PM  

    Wow!! Muntik na kong malaglag sa upuan ko nung makita ko ung pictures naming tatlo nila tina at bon, bwahahaha!!! Ang cute namin dun no? si tina ang gumawa nun, hehehe...

    Naku, maraming salamat king sa friendship.. as in. Napakathoughtful mo pala talga.. nahipuan (touched) ako dun, i swear. At ang background music, panalo!! Astig ka kapatid. Rest assured of my prayers.

    Godbless u and your family!

    Happy New Year!

  8. KINGdom of Saudi Arabia // January 5, 2009 at 4:13 PM  

    @ Jorge: Yan ang sayaw natin sa ordination ni revsiopao ha, ahihihi! Thank you din Jorge. Keep the vocation in your heart burning!